Isa sa mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko masagot..
Paano nga ba ma-inlove??
Kailan mo masasabi na inlove ka??
Bata pa lang ako, Elementary days, close na kami ni Reysa, naging bestfriend ko siya noong grade 5 pa ako hanggang grade 6.
Kulitan doon, harutan, tawanan, kopyahan, sabihan ng secrets at kung anu-ano pa. Nakakatuwa kasi kahit babae sya napaka-close niya sakin. Sa sobrang close niya sa akin, napagkakamalan kaming mag bf/gf. Nakakatuwa kung iisipin kasi bata pa lang ganyan na agad ang tukso sa amin. Porket ba close, kami na? Sabi ko sa sarili ko.
Grade 6. Hindi na kami naging mag-kaklase ni Reysa, nalipat siya ng ibang section. Ako naman same section parin.
Kahit na magkaiba kami ng section, hindi nawala ang closeness namin ni Reysa. Sabay kami kumain, umuwi at gumawa ng assignments sa library. Masaya.
Walang nagbago. Wala nga ba talagang nagbago???..
Before kami grumaduate sa Grade 6, nagkita kami ni Reysa, nagpatulong siya gumawa ng last project nila sa Science. Syempre, bilang bestfriend pupunta ako syempre. Pinuntahan ko siya.
Close ako sa parents ni Reysa, feel at home ako kapag nandoon ako sa kanila. Natutuwa sa akin 'yung mom niya kasi ang cute-cute ko daw bagay daw kami ni Reysa. Natatawa lang ako kasi malay ko ba kung nagbibiro lang si tita o hindi.
Pumasok na kami sa kwarto ni Reysa, busy, gupit dito, sulat dito, ayos dito. Halos lahat ata ng ginagawa pag gumawa ng project e nagawa namin.
Hanggang sa napagod kami. Nagpahinga. Kwentuhan at kulitan. Biglang tumahimik.
"Noel, san ka magha-high school?"
"Dito lang din sa Novaliches? Bakit?"
"Ahhh.. buti ka pa.."
Natahimik si Reysa pagkatapos nya sabihin iyon.
"Bakit? Anong problema? Antok ka na?"
"Ahh hindi, napagod lang siguro ako sa ginawa natin."
Oo nga naman, nakakapagod nga naman gumawa ng Science project. Ang laki-laki pa ng project. Pero parang may mali.
"Bakit? Saan mo pala balak mag-aral?"
Napatingin sa akin si Reysa. Umiiyak.
"Hindi ko pa alam. Lilipat daw kami sabi ni mommy."
Humanga ako sa mga oras na yun kay Reysa. Siguro dahil siya lang ang nakita kong batang babae na umiyak na hindi maingay.
Parang may matanda akong kasama that time. Umiiyak siya pero walang ingay. Pero kahit ganun, mararamdaman mo sa pag-iyak niyang yun ang labis na kalungkutan.
"Ahh.. ganun ba?"
Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Katahimikan na hindi namin namalayan. Tiningnan ulit ako ni Reysa.
"Mamimiss mo ba ako, Noel?"
"Ikaw lang ang bestfriend ko, Reysa. Iniisip ko nga na magkakasama pa tayo sa high sch..."
Biglang nagsalita si Reysa.
"Inlove ako sayo, Noel."
Tameme. Tulala. Natahimik. Yan ang naging reaksyon ko nang bigla niyang sinabi yun.
"Reysa naman. Wag ka namang nagjo-joke diyan! Sumbong kita kay tita e!"
Sabi ko na parang bata. Takot. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko noong mga oras na yun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maaasar dahil sinabi pa niya yun kung kailan sinabi rin niyang lilipat na sila.
"Sige, Noel, uwi ka na, baka gabihin ka pa sa inyo. Sorry ah! Wag mo na lang isipin yung sinabi ko."
Tameme parin ako. Walang masabi. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin o hindi.
"Ma! Uwi na si Noel!"
"Sige po tita, Reysa, salamat sa cake."
"Thank you din sa pagtulong sa akin sa project best!"
"Wala yun."
After graduation. Wala na sila Reysa. Lumipat na sila. Pinuntahan ko ang isa sa mga classmate at close friend din ni Reysa.
Tinanong ko kung saan sila lumipat.
"Sabi sa akin ni Reysa, sa cavite daw sila lilipat e."
"Ahh ganun ba?"
"Sabi nya. may binigay pala si Reysa na letter, basahin mo daw. Binigyan din niya ako e."
"Ahh talaga?"
"Oo, sandali lang ah!"
"Ok sige."
Sulat? Bakit hindi niya sinabi sa akin na lilipat na sila kaagad after graduation?! Akala ko ba bestfriend kami?!
Simula nung sinabi sa akin ni Reysa na inlove siya sa akin, nawala ang kulitan at harutan namin. Nag-iba ang ihip ng hangin. May pader na biglang humarang sa aming dalawa. Magkatabi lang kami ng classroom noon pero pag lumalabas na ako o pag-uwian na, hindi na kami mapang-abot.
"O eto Noel. Keroppi sayo!"
"Ahh salamat, haha keroppi!"
Pumunta ako ng library. Binasa ang sulat ni Reysa.
Noel,
Sorry dahil hindi na kita pinapansin after natin gumawa ng project.
Nahiya na kasi ako sa'yo e.
Akala ko madali lang sabihin na inlove ako sa'yo.
salamat sa pag-intindi sa akin.
Sa mga kulitan at pagshare mo sa akin ng mga secrets mo.
Salamat kasi naging bestfriend tayo.
Galingan mo parin sa school ah!
Sana magkita parin tayo pag tanda natin.
Baka that time, hindi na ako mahiya sayo.
Salamat talaga bestfriend!
Da best ka!
Nakakabinging katahimikan. Hindi ko alam kung dahil ba sa nasa library ako or pinili kong magpakulong sa katahimikan.
Noong araw ding yun, bigla kong nasabi sa sarili ko,
"Ganito pala ang naramdaman ni Reysa."