
Define CRUSH and LOVE:
CRUSH is the instantaneous attraction for someone.
A CRUSH is when you think about someone all the time.
LOVE is when you go out with your CRUSH.
LOVE is when you have a real relationship and go through the ups and downs together.
LOVE is a strong bond while CRUSHES come and go.
- Yahoo! Answers
Crush at Love, may pagkakaiba nga ba talaga sila? Karamihan kasi sa atin ngayon, 'di na alam ang pagkakaiba ng Crush at Love. Nakakatuwa ‘yung mga taong nilalagyan ng malisya ang na caught-on-the-act nilang kaibigan sa ibang tao or sa kakilala nila .
Ito ang madalas na sinasabi nila,
“Uuuuuyyy..!”
“Huli!”
“Relasyon…”
“Uuuuuyyyy…. Crush!”
Pero kelan ba masasabi na CRUSH ang nararamdaman mo para sa isang tao? Isa-isahin natin.
According sa Yahoo! Answers:
CRUSH is the instantaneous attraction for someone.
Instantaneous attraction o biglaang pagkagusto. Ito ata ‘yung sinasabi nilang “Love at First Sight”. ‘Yung tipong unang tingin mo pa lang or unang meet n’yo pa lang eh para kang nasa heaven. Weird ‘yung feeling. Masaya na ‘di mapakali. Overwhelmed nung makita mo siya at gusto mo pa siyang makita ulit after n’yo magkita. Madalas na kantiyaw sa mga taong nasa ganitong stage ay, “Parang tanga lang”. Kasi nga naman, parang tanga lang talaga sila. Alam n’yo kung bakit? Dahil sa kanilang mga kinikilos. Ang mga taong nasa ganitong situation kadalasan ay:
For the guys:
Nagpapacute - Gagawa’t-gagawa sila ng paraan para maging gwaping sila sa crush nila. Unang sign eh ang paghawak sa kanilang ilong, conscious baka daw kasi oily! Wa points! Hahahaha! Seriously speaking, one way lang talaga namin ‘yun ng pagpapacute. Kasi may kasamang eye contact pa ‘yun. At syempre, killer smile after. Nakz! Haha!
Nagiging clumsy – Yep! Nagiging clumsy kami ‘pag nakita namin ‘yung crush namin. ‘Yung tipong may mababangga kami kahit maluwag ang daanan (kasi nga naman ‘yung mata namin nasa taong ‘yun). Nakakabangga o nakakabasag nang kung anu-anong bagay o ‘di kaya bigla na lang madadapa. Ingat ‘tol! Haha!
At parang baliw – Actually, baliw talaga! ‘Pag wala na ‘yung crush namin, that doesn’t mean na ‘di na rin namin siya maiisip. Ang tawag dun? Daydreaming. Haha! Ito ‘yung scenario na bigla na lang kami tatawa o ngingiti ng walang dahilan, tulala sa isang tabi (yeah!), at magugulat ‘pag ginulat ng katabi! Haha! At alam mo sasabihin nila sa’yo? “Baliw!” Haha!
For the Girls:
Malamang ‘di ko alam! Pero may napansin lang ako, ewan ko kung totoo. React na lang kayo mga girls ah! Haha!
Nag-aayos ng buhok – Ito ang napansin ko sa lahat ng girls na sa tingin ko eh nasa Crush stage. Maglalabas sila ng suklay at ayun, magsusuklay! 'Yung iba naman, fingers lang ang katapat! Haha! ‘Yung ilalagay ‘yung buhok nila sa ilalim ng tenga nila ng nakayuko ang ulo habang nakatingin sa crush nila. Hindi sila mag-ismile, madalas pa nga mukhang mataray o normal lang. “Makuha ka sa tingin!”, ‘yan ang motto nila.
Dagdagan n’yo na lang girls ah! Thanks!
Mabalik tayo, so, I therefore conclude, na ‘di pala dapat “Love at first sight”, it’s “Crush at first sight”.
A CRUSH is when you think about someone all the time.
Laging iniisip. Pinakamahirap na stage. Dito, magiging concern ka na pati sa mga iniisip niya. Pati na rin kung ano ginagawa niya. Ito ‘yung situation na iniisip mo kung ano na ginagawa niya? Iniisip ka kaya niya? Saan siya ngayon? At kung anu-ano pa. Paranoid! At the end of the day, maiisip mo na lang, “Sino ba ako para isipin niya?”. Ang Saklap! Okz lang yan! Haha!
CRUSHES come and go.
‘Yan! Stage of Moving On. Ito ‘yung situation na nalaman mong ‘di ka type ng crush mo or sa kasamaang-palad, my bf/gf na siya. Mahirap tanggapin at first, Oo naman! Sabi nga sa isang kanta, “So bad, it hurts inside..”, huhuhuhu! Pero anong sabi? Crushes come and go. Magkakacrush ka ulit! Haha! Malay mo, this time, both of you has the same feeling for each other! At dito na papasok si Love. (Timing! Haha!)
Paano naman masasabi na nasa stage ka na ng Love? According ulit sa Yahoo! Answers:
LOVE is when you go out with your CRUSH. Of course, if both of you do share the same feelings, o crush n’yo ang isa’t-isa, possible mo nang I-date siya. Lumabas kayo. Hanapin n’yo ang compatibilities n’yo sa labas. Kilalanin n’yo ang isa’t-isa. Ipakita mo kung gaano mo sya kamahal sa ibang tao (‘Wag naman super duper PDA ah! ‘Yung tama lang) . Holding hands while walking should do. O akbayan mo siya. Simple as that. Maraming nang kikiligin sa inyong dalawa.
Take note! ‘Wag maging kuripot kung talagang mahal mo siya. After all, It’s a give and take relationship.
LOVE is when you have a real relationship and go through the ups and downs together.
Masaklap na part. Sa stage na ito, dito na kayo mag-aaway. ‘Di naman maiiwasan ‘yan sa lahat ng relationship. There are always ups and downs. Even though small things, pag-aawayan n’yo. Ang kailangan lang sa stage na ito, if you really love each other ay UNDERSTANDING and TRUSTING EACH OTHER. Kailangan isa sa inyo ang magpakumbaba or mag-give way. At the end of the day, mare-realize din ng isa ang pagkakamali niya. At syempre, tiwala sa isa’t-isa. Tiwala na walang iwanan. Na both of you will overcome the ups and downs of life together no matter what.
LOVE is a strong bond.
Bonding. Very important when it comes to love. Ito kasi ‘yung stage na makikilala n’yo na talaga ang isa’t-isa. Ang pinakamagandang bonding para sa akin eh ang pag-uusap n’yo habang naglalakad, or kahit nakatambay lang sa bahay. Kwentuhan, kulitan, harutan, etc. Real communication makes the bonding strong. In order to have that, you must be true to yourself and to your partner as well.
According sa Yahoo! Answers, Crush and Love has different meanings, but both of them share one common feeling. And that's Happiness.
“There is only one happiness in life, to love and be loved…”
No comments:
Post a Comment